November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

TATLO PANG KONGRESISTA, UMANIB SA LAKAS-CMD

UMAKYAT na sa 109 ang kabuuang bilang ng mga kongresistang umanib sa dominant political party Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), na pinamumunuan ni House Speaker Martin Romualdez.

Ito’y matapos na manumpa bilang mga bagong miyembro ng naturang partido sina Reps. Victoria Yu (Zamboanga del Sur 2nd District), Raul Tupas (5th District, Iloilo) at Jose Manuel Alba (Bukidnon 1st. District).

Sa kanyang talumpati sa kasunod ng panunumpa ng tatlong kongresista, nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat si Romualdez sa patuloy na paglawak at pagiging matatag ng Lakas-CMD.

Bukod sa tatlong miyembro ng Kamara, pasok din bilang bagong kasapi ng partido siLa Paz, Abra Mayor JB Bernos.

“Their affiliation widens support in Congress and the grassroots for President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. and his Agenda for Prosperity and Bagong Pilipinas programs,” saad ng lider ng 300-plus strong House of Representatives.

“I am sure that our new members share our and the President’s aspirations for a better life for our people and a more progressive Philippines,” dagdag pa ni Romualdez.

Sa pagpasok sa partido nina Yu, Tupas at Alba, hawak na ngayon ng Lakas-CMD ang mahigit sa 1/3 membership ng Kamara – na para kay Romualdez ay malaking bentahe para matiyak na mabibigyan ng kaukulang aksyon ang priority measures ng administrasyon.

Noong nakaraang Biyernes, nagdaos ng national convention ang partido kung saan inihayag ni Speaker Romualdez ang pakikipag-alyansa ng Lakas-CMD sa koalisyon ng administrasyong sumusuporta sa mga kandidato sa halalan sa Mayo 2025, upang ipagpatuloy ang reporma at layunin ng pamahalaan. 

“In 2025, we are not just fielding candidates – we are shaping the future. Lakas-CMD is proud to join the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, a multi-party administration alliance that will bring forth a formidable 12-man senatorial slate, as well as candidates for provincial, congressional, and city and municipal positions,” aniya pa.

“Together, we will represent a broad and inclusive movement that reflects the aspirations of every Filipino across our archipelago,” pagtatapos ng Leyte solon.