PARA kay Senador Francis Pangilinan, isang malaking dagok sa kampanya kontra korapsyon ang implementasyon ng P33-bilyong halaga ng farm-to-market roads sa Department of Public Works and Highways (DPWH) – kahit pumabor sa panukalang General Appropriations Bill sa 2026.
Sa isang kalatas, nagpahayag ng agam-agam si Pangilinan na tumatayong chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reforms hindi lamang sa isinusulong na reporma sa pamahalaan kung ipapasa sa DPWH ang implementasyon ng pagpapatayo ng farm-to-market roads.
Aniya, kanyang sinuportahan ang bicameral conference committee report pero hiniling nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-veto ang probisyon na payagan ang Department of Agriculture (DA) na pumaloob ang memorandum of agreement sa DPWH for para sa P33-billion FMR program.
“Kasama ang DPWH sa mga ahensyang magpapatupad ng FMR projects kaya naman may reservations ang ating pagpirma sa bicam report,” ani Pangilinan.
Sinabi pa ni Pangilinan na nananatiling nasa balikat ng DPWH ang hindi nareresolbahang kaso ng administratibo at kriminal na may kaugnayan sa flood control projects.
“Tulad ng pagdisiplina sa ating mga anak, hindi natin binibigyan ng reward ang masamang pag-uugali. Nagbibigay tayo ng time-outs. Kailangang makuha ulit ng DPWH ang tiwala ng taumbayan,” giit niya.
Binanggit pa ng senador na malinaw sa ilalim ng Section 52 ng Republic Act No. 8435, o ang the Agriculture and Fisheries Modernization Act,na tungkulin ng DA ang planning prioritizing ng FMRs sa pakikipagtulungan ng local governments at grupo ng magsasaka at mangingisda.
“Di lang pagsesemento ang mga FMR project. Kasangkapang pang-ekonomiya rin ito na direktang nakatali sa pagsiguro ng ating kinabukasan“ aniya.
“Pinagpapasyahan itong mga FMR batay sa ano ang kailangan ng agrikultura, hindi ng pangkalahatang prayoridad sa pagawaing bayan,” paliwanag ng senador.
Tinukoy pa ng senador nsa hindi natutupad ng DPWH ang backlog nito na 60,000 kilometro ng FMR base sa datos ng DA.
“Doon pa lang, dapat na tayong huminto sandali bago bigyan sila ulit ng malaking pondo,’ giit ni Pangilinan.
“Hindi naman basta lang masabing mabilis, dun na tayo. Ang isyu ay kredibilidad at kapasidad, aniya saka iginiit na ang Public-Private Partnership Code na pinagtibay noong huling bahagi ng 2023 bilang pamamaraan na gamitin ang pribadong kapital sa pagpapabilis ng proyektong at tiyakin ang pananagutan nang walang overloading sa DPWH.
“Bumoto ako ng yes dahil kailangan ng bansa ng budget,” ani Pangilinan.
“Pero sa puntong ito, kailangan ng veto ng Pangulo para protektahan ang magsasaka, bantayan ang pondo ng bayan, at panatilihing nakatutok ang mga kalyeng sakahan sa pagpapakain sa bayan.” (ESTONG REYES)
