PORMAL nang inihalal ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang sektor ang mga bagong opisyal ng Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI) sa ginanap na pagpupulong noong Lunes, Oktubre 6, sa Kamara de Representantes.
Kabilang sa mga iniluklok sa pamunuan ng PCFI si Rep. Jose “Bong” Teves Jr. ng TGP Partylist.
Sa isang talumpati, tiniyak ni Teves ang katapatan, integridad, at tunay na serbisyo publiko sa panunungkulan bilang lider ng PCFI.
“Sa ating pagkakaisa, baguhin na natin ang lahat at ibalik ang tunay na imahe ng partylist,” ani Teves matapos niyang idiin na “madami ang nagsasabing na wala namang naitulong ang partylist, some are even pushing to abolish the partylist system.”
Dagdag pa niya, panahon nang ibalik ang tiwala ng publiko sa partylist system, sa kabila ng kabi-kabilang kritisismo.
“Maglingkod tayo, hindi para sa ating sarili, kundi para sa ating mga kababayan,” dagdag ni Teves.
Hinikayat din niya ang mga kasapi ng koalisyon na magsalita laban sa mga maling gawain sa loob ng pamahalaan:
“Huwag tayong manahimik. Tumutol tayo kung may nakikita tayong hindi tama sa ginagawa ng ating mga kapwa lingkod-bayan, at suportahan ang gobyerno sa pagsusulong ng maayos na ekonomiya, agrikultura at disenteng kabuhayan” aniya.
Bukod kay Teves, kabilang sa mga bagong opisyal ng PCFI sina Executive Vice President: Rep. Felimon Espares (COOP-NATCCO), Vice President – Internal: Rep. Bryan Revilla (Agimat), Vice President – External: Rep. Maximo Rodriguez Jr. (ABAMIN), Vice President for Operations: Rep. Raymond Mendoza (TUCP), Vice President for Minority: Rep. Percy Cendaña (Akbayan), VP for 3rd Term Representatives: Rep. Presley De Jesus (Philreca), VP for 2nd Term Representatives: Rep. Munir N. Arbison (Kapuso PM).
VP for 1st Term Representatives: Rep. Florabel Yatco (Nanay), Secretary General: Rep. Jude Acidre (Tingog), Assistant Secretary General: Rep. Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan), Treasurer: Rep. Milagros Magsaysay (United Senior Citizens), Assistant Treasurer: Richelle Singson (Ako Ilocano Ako), Auditor: Rep. Johanne Monich Bautista (Trabaho), Public Relations Officer: Rep. Indy Oaminal (Asenso Pinoy), Spokespersons: Rep. Elijah San Fernando (Kamanggagawa) at Rep. JC Abalos (4Ps).
Nagpahayag naman ng buong suporta sa bagong pamunuan ang itinalagang Assistant Secretary General na si Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist.
“Sang-ayon ako kay Cong. Teves — dapat magtulungan ang mga partylist upang mabago at mapabuti ang imahe ng partylist system,” pahayag ni Poe.
Samantala, si Minority Leader Marcelino Libanan ng 4Ps Partylist naman ang magsisilbing Chairman ng PCFI, habang bumubuo naman ng legal team ng koalisyon sina Atty. Maximo Rodriguez (ABAMIN), Atty. Leila De Lima (ML), Atty. Rodge Gutierrez (1-Rider), Atty. Chel Diokno (Akbayan), Atty. JP Padiernos (GP), at Atty. Nat Oducado (1Tahanan).
Binubuo naman ng 15 kongresista ang Board of Trustees ng PCFI, na sina Rep. Marcelino Libanan (4Ps), Rep. Ompong Ordanes (Senior Citizen), Rep. Maximo Rodriguez (ABAMIN), Rep. Nicanor Briones (AGAP), Rep. Jose “Bong” Teves Jr. (TGP), Rep. JC Abalos (4Ps), Rep. Jocelyn Tulfo (ACT-CIS), Rep. Ching Bernos (Solid North), Rep. Raymond Mendoza (TUCP), Rep. Bryan Revilla (Agimat), Rep. Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan), Rep. Elijah San Fernando (Kamanggagawa), Rep. Florabel Yatco (Nanay), Johanne Monich Bautista (Trabaho) at Jude Acidre (Tingog).
Mahigit 42 miyembro ng PCFI ang dumalo sa naturang eleksyon na nagpatibay ng bagong hanay ng mga lider ng koalisyon. (ROMER R. BUTUYAN)
