PAGKATAPOS itaboy palayo sa karagatan ng Pangasinan, muling namataan kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang barko ng China sa bahagi ng West Philippine Sea malapit sa lalawigan ng La Union.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, muling idinispatsa ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan ang paglalayag ng BRP Cabra at Bagacay para bantayan ang galaw ng Chinese Coast Guard vessels na namonitor sa distansyang 70 hanggang 75 milya mula sa baybayin ng Luna sa probinsya ng La Union.
“Ngayong umaga, these two PCG vessels reported that they are still currently monitoring and challenging the presence of these two CCG vessel vessels at an approximate distance of 70 to 75 nautical miles off Luna, La Union Province,” ani Tarriela.
Pag-amin ng opisyal, ang dalawang barkong nakita sa La Union ay yaon din itinaboy ng bantay-dagat 34 milya mula sa pampang ng Bolinao, Pangasinan noong Linggo.
ng mga barko ng China na may bow number na 3301 at 3304 ay nakita noong Linggo, may 34 nautical miles o 63 kilometro mula sa baybayin ng Bolinao, Pangasinan.
“Yes, that was the closest that masasabi natin. But again, the difference of these two CCG vessels with that of the CCG monster ship, itong pagdikit niya ng 34 nautical miles yesterday ay continuous. Kumbaga na-detect natin siyang lumapit ng ganun, but it never stayed there for a long time,” aniya pa.
