TULUYAN nang umalagwa ang Tingog partylist group matapos masungkit ang unang pwesto batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey.
Sa survey na pinangasiwaan mula Marso 23 hanggang 29, lumabas na ang Tingog ang top choice ng mga botanteng Pinoy, sa nakuhang 6.11% preference rating, patunay ng malakas na suporta mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Napahayag naman ng labis na pasasalamat sa publiko ang naturang partylist organization sa nakuhang rating sa hanay ng iba pang kalahok sa May 12, 2025 elections.
“This result is a vote of confidence in our mission to uplift the regions and give voice to the underserved,” pahayag ng Tingog partylist.
“We will not waste your trust. We will fight for more jobs, support, and opportunities in the provinces,” anila.
Kilala sa grassroots initiatives sa sektor ng healthcare, education, at livelihood, masigasig na isinusulong ng Tingog partylist ang mga panukalang batas na nagsusulong ng kaunlaran lalo na sa mga liblib na komunidad.
“The voice of the regions must be heard. We are here to make sure it echoes in Congress,” giit ng grupo.
Samantala, inaasahan na mai pagpapatuloy ng Tingog ang ang pagganap ng mahalagang papel sa hudyat ng 20th Congress, kabilang ang pagsuporta sa legislative agenda ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakatuon sa ibayong pagpapaunlad at pagkakaroon ng pagkakaisa sa bansa. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
