MATAPOS ang pagbaba sa pwesto ni former Secretary Amenah Pangandaman, pormal nang nanumpa si Rolly Toledo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Acting Secretary ng Department of Budget and Management (DBM).
Naganap kahapp ang panunumpa ni Toledo sa Malacañang Palace.
Sa ginanap na panunumpa, sinabi ni Toledo, na sisikapin niyang gampanan ang mabigat na responsibilidad — ang ng pamamahala sa pambansang badyet nang may katapatan at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Matagal nang nagsisilbi sa DBM si Toledo na nagsimula bilang Accounts Analyst noong 1987 at umangat sa iba’t ibang posisyon sa loob ng halos apat na dekada.
Binigyang-diin din ni Toledo ang kahalagahan ng maayos, tapat, at mabilis na paggamit ng pondo ng bayan para sa kapakanan ng mamamayan. (Juliet Pacot)
