
NAKATAKDANG igisa sa Senado ang Toll Regulatory Board (TRB) kaugnay ng biglaang pagpapataw ng dagdag-singil sa mga motoristang bumabagtas sa mga expressway sa iba’t ibang panig ng bansa..
Sa pahayag, sinabi ni Poe na tumatayong chairman ng Senate committee on public services, dapat maipaliwanag ng ahensya kung bakit ngayon lamang ipapatupad ng pagtaas ng singil sa toll rates sa gitna ng pagtaas ng pangunahing bilihin at serbisyo.
“Dapat maipaliwanag ng detalyado sa motorista ang drastikong pagtaas ng toll rates. Kung isa itong periodic adjustments mula sa ilang dekadang nakalipas, dapat ipaliwanag ng TRB kung bakit ngayon lamang inaprubahan sa isang biglang paglaki,” ayon kay Poe.
Aniya, hindi dapat pagbasehan ang kuwestyon sa pagiging rasonable sa kontratang PPP kundi maging datos sa trapiko o bilang ng sasakyan na gumagamit nito. Nagbibigay pa ng mabilis ng serbisyo ang expressway. Katumbas pa ng kanilang binabayad ng kumbinyenteng inihahatid ng serbisyong ito,” tanong ni Poe.
“Siguro panahon na pag-aralan ng gobyerno ang dinamikong pagtatakda ng presyo. Hindi tayo dapat maniningil sa mataas ng tantos kung mababa ang customer satisfaction o hindi nakamit ang performance benchmarks,” giit ni Poe.
Sinabi pa ni Poe na kahit nakapaloob sa PPP contract ang fare adjustment, may tungkulin ang TRB na tiyakin na nabibigyan ng proteksyon ang interes ng community public.
“Kaya’t hiniling ko sa Toll Regulatory Board na suriin ang bagay na ito sa ibang perspektibo at magsagawa ng konsiderasyon sa end-users,” aniya.
“Nagbabayad tayo ng toll upang mapabilis ang biyahe – kaya nga tinawag itong expressway. Dapat aprubahan din natin ang toll fees kung gaano kabilis magbigay ang expressways sa mga gumagamit,” dagdag ng senadora.