WALANG puwang sa pamahalaan ang mga taksil sa sariling bayan.
Ito ang buod ng mensahe ni House Prosecution Panel adviser at dating Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, kasabay ng panawagan sa isang opisyal na lantarang nagsusulong sa interes ng ibang bansa, sa halip na panindigan ang soberanya at protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.
Giit ni Barbers, ang bawat nanunungkulan sa gobyerno, mula sa pinakamataas na halal na pwesto hanggang sa pinakamababang appointive position ay mataimtim na nanumpa na iingatan at ipagtatanggol ang Konstitusyon, protektahan ang Republika at tapat na maglingkod sa mamamayang Pilipino.
Para sa dating kongresista, ang panunumpa na hindi maaaring baliin sa pamamagitan ng mga gawa at paghahayag na salungat sa sovereign rights ng banta, territorial integrity o national interest.
“The issue is not whether one is pro-China, pro-America, or aligned with any other foreign power. The only acceptable position for every public servant is to be unequivocally pro-Philippines,” ani Barbers.
“The moment a government official begins advancing the strategic interests of another country over those of our own, that official has betrayed the very essence of public service,” dagdag niya.
“Public office demands one allegiance dahil hindi ito “dual citizenship” — isang bandila lang ang dapat pinaglilingkuran mo at yan ay kung sino ang nagpapasweldo sa iyo… an official of this govt requires undivided loyalty.”
Ayon kay Barbers, tuwing araw ng Lunes at Biyernes, ang lahat ng government offices at mga paaralan, ay inaatasan dumalo sa seremonya ng bandila at pag-awit ng National Anthem.
“Sa ating Pambansang Awit na Lupang Hinirang, ang kinakanta natin na huling linya ay “ang mamatay ng dahil sa iyo. It should not be an empty promise, dahil malinaw na ang kataga ay ‘dahil sa iyo, at hindi dahil sa Inyo,” paalala ng dating mambabatas.
“If an official believes another country’s agenda should prevail over the Philippines’ sovereign rights and national welfare, then the honorable course of action is to relinquish the privilege of public office.”
Paghuli, hinimok ni Barbers ang lahat ng public servants na muling pagtibayin ang pangako sa Saligang Batas, pambansang soberanya, makabayan at sa interes ng bansa, maging ang pagpapanatili sa tiwala ng taumbayan, kasabay sa pagiging epektibo sa kanilang posisyon.
