
SA tuwing may bagong Kalihim, kasabay na pumapasok sa kagawaran ang sariling taong iluklok sa iba’t ibang pwesto sa departamento.
Matapos italaga bilang Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT), agad na inatasan ni Sec. Henry Aguda ang lahat ng inabutang opisyales na magsumite ng “unqualified courtesy resignation” bago sumapit ang Abril 4.
Saklaw ng kautusan ni Aguda ang mga undersecretary, assistant secretary at direktor ng mga kawanihan at iba pang tanggapan sa ilalim ng DICT.
Pag-amin ni Aguda, layon ng nasabing direktiba makapasok sa naturang ahensya ang mga taong higit na may kakayahan gampanan ang trabaho sa departamento.