SA kabila ng isinagawang pagrepaso sa mekanismo ng Performance-Based Bonus (PBB), tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na walang magiging balakid sa paglabas ng bonus na sadyang inilaan para sa mga public school teachers.
Partikular na tinukoy ni DBM Sec. Amenah Pangandaman ang 2022 at 2023 bonuses ng mga guro mula sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Pangandaman, nakikipag-ugnayan na ang kanyang kagawaran sa Department of Education (DepEd) para tugunan ang usapin sa implementasyon ng PBB at masigurong lahat ng kailangan requirements ay nasa ayos para sa distribusyon ng bonus.
Paglilinaw ni Pangandaman, kabilang sa balakid sa likod ng nantalang pamamahagi ng PBB para sa mga guro ng pampublikong paaralan sa nakalipas na dalawang taon ay mga maling impormasyon, duplikadong records ng isinumiteng Form 1.0, at inclusion ng DepEd employees na wala sa Personnel Services Itemization and Plantilla of Personnel.
Gayunpaman, walang binanggit kung kailan makukuha ng mga public school teachers ang salaping katumbas ng bonus para sa dalawang taon.
