NAKATAKDANG bawiin ng
Department of Education (DepEd) ang hindi bababa sa P100 milyon mula sa mga pribadong paaralan na umano’y dawit sa maanomalyang Senior High School Voucher Program.
“Continuous ang aming investigation diyan at paano palakasin ang sistema para wala nang makakadaya nito. Hindi maganda na itong mga programa sa ating kabataan ay yun ay pinaglalaruan lang,” wika ni Education Secretary Sonny Angara.
Ayon kay Angara, nasa proseso pa ng pagbawi ng pondo ang ahensya.
Gayunpaman, tiniyak ng Kalihim na nagsampa na sila ng mga kaso para masigurong mababawi ng gobyerno ang nawalang pondo.
“Para maturuan ng leksyon, na ang sistema hindi dapat pinaglalaruan,” ayon kay Angara.
