Ni Estong Reyes
INIHAYAG ni Senador Grace Poe na dapat madaling makuha at mahusay ang distribusyon ng libreng pagkain ng gobyerno upang matiyak na maibibigay ang pangangailangan sa nutrisyon ng bata sa lahat ng pampublikong daycare at development centers.
Ipinalabas ni Poe ang panawagan matapos suportahan ang panukalang badyet sa supplementary feeding program mula P4 billion tungo sa P6 billion sa 2024.
“Magandang ipaglaban ang pondo para sa masasarap na pagkain para sa ating paslit at bata sa bawat budget season,” ani Poe.
“Umaasa tayo, sa pamamagitan ng badyet, magagawa nitong mas accessible at episyente ang programa,” aniya.
Ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sakop ng programa ang batang may edad 3 hanggang taong gulang na pinamamahalaan ng local government units (LGUs) ang day care at child development center.
Bahagi ang programa ng kontribusyon ng DSWD sa Early Childhood Care and Development Program, ng gobyerno alisnunod sa itinakda ng Republic Act No. 11037 na mas kilalang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act,” na inawtor ni Poe.
Sa taong ito, umabot sa 1.8 milyon ang nabiyayaan ng programa.
Kaya’t iginiit ni Poe ang pagbibigay tulong sa bata hindi lamang sa unang 1,000 araw upang matulungan silang lumaki nang maayos sa pisikal at kaunlarang pangkaisipan.
“Mahalaga na magkaroon ng feeding program sa mas mataas na grade level, pero mas umuunlad at lumalabo ang kaisipan mula sa pagbubuntis hanggang sa edad na dalawa, na lubhang kritikal na yugto,” ayon kay Poe.
“siguro sa tamang panahon, masusuri ulit natin ang programa kung paano ito papalakasin,” dagdag niya.
Nakikipag-alyansa ang mambabatas sa pribadong sektor para sa pagkukunan ng suplay ng pagkain at mahusay na hinahanap na mas mababang halaga.
Sinabi pa ni Poe na kailangan makipagtulungan ang DSWD sa opisyal ng barangay upang episyente ang implememntasyon ng feeding program, dahil sila ang may tungkulin sa pang-araw-araw na operasyon.
“Mas maraming bansa ang magagatungan sa pagkatoto at pag-unlad na makukuha sa masusnansiya at libreng pagkain,” ani Poe.