ISA na ang naiulat na nasawi habang 721,627 katao o 180, 788 pamilya ang apektado ng pinagsamang epekto ng shear line at low pressure area, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ngayong Huwebes.
Sa pinakahuling report, umabot na sa 80,358 katao ang nawalan ng tirahan sa Western Visayas at Eastern Visayas.
Sa naturang bilang, 40,454 ang nananatili sa 170 evacuation centers habang 39,904 ang nakikitira sa ibang lugar.
Nasa 103 kabahayan ang nawasak dahil sa sama ng panahon habang 87 ang bahagyang napinsala at 16 ang nagiba. Umaabot sa 39 daan at tatlong tulay ang nananatiling hindi madadaanan sa 182 insidente ng pagbaha at 21 landslide sa lugar.
Wala namang kuryente ang 10 lugar, putol din ang linya ng komunikasyon sa sa apat lugar gayundin ay problema ang supply ng tubig.
Idineklara na ang state of calamity sa Northern Samar. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ang shear line ay katumbas ng isang buwan na dami ng ulan na bumuhos sa naturang lalawigan noong Nobyembre 20.