MANANATILING maulan ang buwan ng Hulyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa pagtataya ng Pagasa, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo – partikular sa sa mga lalawigang sakop ng Luzon at Visayas region. Inaasahang din ang pagdaan ng mga naturang bagyo sa hilagang bahagi ng bansa tulad ng Batanes.
Anang Pagasa, asahan mas palalakasin pa ng hanging habagat ang bagyo.
Samantala, bantay-sarado naman sa ahensya ang isang low pressure area malapit sa Quezon, na posibleng maging tropical depression. (LILY REYES)
