KASUNOD ng paghahain ng panukalang batas na naglalayon ibalik sa dating estado ang Sierra Madre, inikutan ng mga kongresista at mga opisyal ng Department of Environment and kabundukan nagsisilbing panangga ng Luzon laban sa hagupit ng bagyo.
Personal na pinamunuan ni House Speaker Faustino Dy III ang aerial inspection nạ isinagawa ng mga miyembro ng Kamara sa hilagang bahagi ng Sierra Mountain range sa hangarin alamin ang kalagayan ng tinaguriang “natural shield against calamity.”
Bukod kay Dy, kasama rin sa aerial inspection ang mga miyembro ng House Committee on Government Enterprises and Privatization, na pinamumunuan ni Parañaque City Rep. Eric Olivarez.
Kabilang rin sa nakasulyap sa lagay ng Sierra Madre ang iba pang environmental officials, at technical stakeholders para obserbahan ang kalagayan ng protected forest areas, watershed systems, biodiversity zones, at mga komunidad na nahaharap sa banta ng illegal logging, deforestation, at climate-related disasters.
Una nang inihain ni Dy ang House Bill 3538, na nagmumungkahi itatag ang Sierra Madre Conservation and Development Authority (SMCDA), isang specialized government body na mamahala sa long-term protection, rehabilitation, at sustainable development ng Sierra Madre region.
“The Sierra Madre is not just a mountain range. It is our natural defense against calamities, our source of biodiversity, and a lifeline for millions of Filipinos,” wika ng lider ng Kamara.
May habang higit sa 540 kilometro sa silangan bahagi ng Luzon, ang Sierra Madre ay tinatayang nasa 40 porsyento ng nalalabing forest cover ng bansa at nagsisilbing natural shield laban sa malalakas na bagyong pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.
Sampung lalawigan ang binabagtas ng mountain range kabilang ang Cagayan, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Rizal, Bulacan, Laguna at Quezon— na malaking tulong sa mahigit 50 million Pilipino na naninirahan sa Luzon.
Sa explanatory note ng HB 3538, tinukoy ng lider-kongresista ang malaking papel ng Sierra Madre para mapahina bago pa tumama sa kalupaan at komunidad ang mga itinuturing na super bagyong tulad ng Super Typhoon Lawin na rumagasa sa Luzon mula sa Signal No. 5 at naging Signal No. 3 dahil nabasag ito ng naturang kabundukan noong 2016.
Taong 2018 naman, si Bagyong Ompong ay humina sa 160 per kph ang bugso ng hangin mula sa unang naitala na 200 kph.
Muling napatunayan ang mahalagang ambag sa disaster mitigation at climate resilience ng Sierra Madre nang kalusin din nito sa 130 kph ang unang 155 kph na taglay na hangin ng Typhoon Ulysses noong 2020.
Para sa House speaker mula Isabela, ang patuloy na pagkasira ng kagubatan, illegal logging, pagkakaingin at makalumang forestry policy ay banta sa ecosystem Sierra Madre ang naglalagay sa peligro sa milyon-milyong Pilipino dala ng mga pagbaha, landslides at malalakas na bagyo.
Kaya ilalim ng panukalang paglikha ng SMCDA, inaasahan makabuo at ipatutupad ang isang comprehensive long-term development at conservation plan na kabilang forest protection, watershed management, biodiversity preservation, ecological restoration at sustainable economic development programs sa buong Sierra Madre region.
