SA hangarin tiyakin na mananatiling luntian ang mga nalalabing kabundukan, nagsagawa ng sabayang pagtatanim ng puno ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Partikular na tinungo ng mga tsuper Green GSM Philippines, mga magsasaka, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang bulubunduking bahagi Sitio San Roque sa Baras, Rizal.
Bukod sa Green GSM Philippines, kabilang rin sa mga aktibong lumahok sa naturang programa ang samahan ng magsasaka, mga kinatawan ng Philippine Coconut Authority (PCA), Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Climate Change Commission (CCC), gayundin ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Baras.

Sa pagtataya ni Ka Jay Sambilay na tumatayong pangulo ng Farmers Inhabitant, hindi bababa sa isang libong fruit-bearing trees ang matagumpay na naipunla ng mahigit 200 katao – kabilang ang 150 green taxi drivers ng Green GSM Philippines.
Para kay Sambilay, hindi lamang sa maibabalik ang luntiang kabundukan, malaking tulong din aniya sa mga magsasaka — gayundin sa mga katutubo ang “fruit-bearing trees” na magsisilbing kabuhayan sa mga susunod na taon.
