HINDI dapat maliitin ang bangis ng bagyong Emong, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), kasabay ng babala sa posibilidad ng storm surge sa pitong lalawigan sa Luzon.
Sa abisong inilabas ng Pagasa, kabilang sa mga tinukoy na probinsyang posibleng tamaan ng storm surge sa loob ng susunod na 36 oras ang Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Zambales.
Paglalarawan ng government weather bureau, “minimal to moderate risk” o ang panganib ng storm surge na inaasahang ay taas na dalawang metro sa loob ng susunod na 36 na oras sa mga nasabing lugar.
Ang storm surge o daluyong ng bagyo ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan na nagdudulot ng malawakang pagbaha at pinsala
Nobyembre 2013 nang maging sentro ng balita ang Pilipinas bunsod ng isang storm surge na tumama sa Eastern Visayas kung saan hindi bababa sa 6,000 katao ang kumpirmadong nasawi. (LILY REYES)
