KUNG pagbabatayan ang pagtataya sa panahon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), tuloy ang taunang martsa at kilos protesta ng mga aktibista.
Ang dahilan — mababa ang tsansa ng pag-ulan sa mismong araw ng ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“In the National Capital Region or Metro Manila, where our president’s SONA will be held, we expect a relatively low chance of rain from morning to noon. While thunderstorms caused by localized thunderstorms are possible in the afternoon to evening,” ayon kay weather specialist Obet Badrina.
Gayunpaman, apektado ng habagat ang ilang bahagi ng kanlurang Luzon kabilang ang Ilocos Region, Abra, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.
Makakaranas naman ng maaliwalas na panahon ang natitirang bahagi ng bansa, maliban sa ilang panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog, ayon pa sa government weather bureau. (LILY REYES)
