HINDI pa tapos ang tag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasabay ng abiso hinggil sa anila’y pagpapatuloy ng La Niña phenomenon hanggang sa buwan ng Marso.
Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, patuloy umanong makakaranas ang bansa ng pag-ulan bunsod anila ng mas malamig kaysa sa average na sea surface temperature sa equatorial Pacific Ocean na nagsimula noon pang Setyembre ng nakalipas na taon.
Katunayan pa anila, lumalakas pa ang epekto ng La Niña sa huling wan ng 2024.
Paliwanag ng state weather bureau, umiiral ang La Niña kung ang isang buwang sea surface temperature anomalies na -0.5°C o mas mababa ay naobserbahan.
Para sa susunod na tatlong buwan, nagbabala rin ang PAGASA sa mas higit sa normal na pag-ulan na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
