
NI LILY REYES
NAGPAKALAT ng hindi bababa sa 1,500 unipormado ang Quezon City Police District (QCPD) para sa taunang Traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila ngayong Martes bilang bahagi ng augmentation.
Pinangunahan ni QCPD Director Brig. Gen. Redrico Maranan ang send-off ceremony para sa Nazareno 2024 sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Kasama ang QCPD personnel ng mga pulis Maynila at iba pang augmentation mula sa ibang distrito para magbigay seguridad sa tradisyunal na pamamanatang kalakip ng Traslacion.
Ayon kay Maranan, ang Traslacion ay isa sa mga dinadagsa ng mga deboto kung kayat kailangan ang presensya at puwersa ng mga pulis upang masiguro ang seguridad at kaayusan sa lugar.
Dagdag ni Maranan, layon ng QCPD makatulong sa paglilingkod sa publiko kaya handa aniya siyang ibigay ang serbisyo ng kanyang mga tauhan kung kinakailangan.