NI LILYY REYES
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki, habang tatlong iba pa ang sugatan matapos gumuho ang isang bahay sa ilalim ng tulay sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), agad na isinugod sa pagamutan ang tatlong hindi pinangalanang biktimang nadaganan ng gumuhong bahay sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa nasabing lungsod.
Matapos ang ilang oras, natagpuan ang ika-apat biktimang binawian ng buhay sa ospital.
Ayon kay barangay safety officer Raymond delos Santos, itinayo ang gumuhong bahay sa isang bahagi kung saan aniya ipinagbabawal ang pagtira dahil na rin di umano sa peligro.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na pamahalaan.
