PITONG kasosyo ng sinalakay ng illegal POGO hub sa bayan ng Bamban sa lalawigan ng Tarlac ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) – kabilang ang isang dating television host.
Sa pagharap sa mga mamamahayag, matigas na itinanggi ng dating television host na si Jaimielyn Santos ang anumang kaugnayan sa human trafficking na nabisto sa pagsalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ilang buwan na ang nakalipas.
Paglilinaw ni Santos, legal di umano ang kanyang investment at pagpasok sa inalok na “online gaming company.” Katunayan aniya, siya pa mismo ang ang nakipagkita sa mga opisyal ng Offshore Gaming License Department ng PAGCOR.
Giit pa ng suspek, hindi “bogus” ang kanilang kumpanya, kasabay ng pagtanggi sa alegasyong human trafficking.
Bukod kay Santos, pasok din sa kaso ang anim na iba pa.
