
HINDI na nagawa pang maghintay ng mga panadero sa pahintulot ng pamahalaan sa hirit na dagdag-presyo sa nakagawiang almusal ng mga Pilipino – ang pandesal.
Pag-amin ng mga panadero, itinaas na sa halagang P2.50 kada piraso (mula sa dating P2 per piraso) para sa karaniwang sukat at timbang ng pandesal. Doblado naman ang presyo ng malalaking pandesal (na sinamahan na rin ng malunggay at keso) na dating nagkakahalaga ng P2.50 kada piraso.
Katwiran ng mga panadero, hindi na nasasambot ang puhunan kung hindi magtataas ng presyo lalo pa’t malaki na rin umano ang itinaas ng mga sangkap na gamit sa paggawa ng tinapay.
Una nang humirit ng taas-presyo ang Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) ng dagdag na P5 sa kada pack ng Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty
Mahigit isa’t kalahating taon na anila hindi gumagalaw ang presyo ng tinapay kahit patuloy ang pagtaas ng gastos sa paggawa ng pabopritong almusal ng mga Pilipino.