SA gitna ng matinding pagsubok na dala ng krisis, isang hindi inaasahang agapay ang handog sa mga residente at pamilya mula sa Barangay Lawang-Bato sa lungsod ng Valenzuela.
Sa pangunguna nina Kapitan Romy Acuña
at may bahay nito na si Kapitana Vergie Acuña — sampu ng buong konseho, pinangasiwaan ng Team Acuña ang programa kung saan namahagi ng mga maayos na kasuotan sa hindi bababa sa 547 benepisyaryo.
“Hindi man bongga, hangad lang namin magpaabot ng tulong sa ating mga kabarangay,” maikling pahayag ng Team Acuña
Ilang saglit matapos magpamahagi ng mga tinaguriang ukay-ukay sa hindi bababa sa mga maralitang residente ng Barangay Lawang-Bato, isinunod naman ang feeding program na handog ni Kapitan Acuña.
Wala naman pagsidlan ng galak ang mga residente ng naturang barangay sa anila’y handog na walang hinihintay na kapalit.
“Sana lahat ng uupo sa pamahalaan sa darating na halalan tumulong sa nasasakupan ng bukal sa kalooban.”
“Sana lahat ng uupo sa pamahalaan sa darating na Oktubre tumulong sa nasasakupan ng bukal sa kalooban… dangan naman kasi sa mga nakalipas na panahon nakakalimutan na kami pagkatapos ng halalan.”
