
Courtesy: Taguig PIO
TUMAGAS ang ammonia sa isang ice plant sa Taguig City dahilan para suspendihin ang klase ng isa sa mga eskuwelahang malapit sa lugar.
Bandang alas-7:31 ng umaga nang ireport ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tagas sa planta ng yelo sa M.L. Quezon street Barangay Lower Bicutan. Makalipas ang halos tatlong oras ay naresolba na ito ng awtoridad.
“Isinara ang lahat ng mga kalye malapit sa planta para hindi makalapit ang mga ito,” ayon sa report ng BFP.
Agad ding nagtayo na medical bay sa R.P. Cruz Sr. Elementary School gayundin ang pag-alerto sa mga ambulansya upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao.
Patuloy naman ang pagtutok ng pamahalaang lokal, Taguig Rescue, BFP-NCR, at Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal at mai-assess ang ammonia level at wind direction sa lugar.