NAGSIMULA nang bumili ang National Food Authority (NFA) na palay sa P23 kada kilo.
Sa pahayag, sinabi ng ahensiya na nakahanda na ang pondo para rito.
“We already ordered our regions/branches to commence procurement of clean and dried palay at P23.00/kg nationwide. Procurement guidelines have been circulated and funds have been downloaded to our buying stations,” ayon sa pahayag ng ahensiya.
Nagsimula na ang anihan at marami pang rice millers ang bumibili ng P25 kilos pataas, na mataas sa NFA rice.
Ang halagang P23 ay mataas sa kadalasang presyo na binibili ng NFA sa nakalipas na taon. Noon ay P19 kada kilo ng palay ang presyo ng binibili ng NFA.
Naniniwala ang ahensiya na tataas ang bilihan ng palay dahil susunod na rin ang iba pang negosyante sa presyo. benchmark for buying rice this harvest season.
“But as soon as peak harvest occurs, our farmers will rely more on NFA to stabilize palay prices. The P23 per kilo will help stabilize palay prices that are needed to keep planting intentions for the next crop more positive,” ayon pa sa NFA.
Idinagdag pa na kapag mayroon nang malaking pondo ang mga magsasaka ay makakabili na sila ng iba pang gamit at puhunan para sa susunod na taniman.
Maglalabas din ng panuntunan ang NFA sa bilihan ng sariwang palay para sa 25 porsiyentong moisture content o mas mababa pa sa presyong P18.00 hanggang P19.00 per kilo.