KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong plunder ang aktres na si Angelika dela Cruz, barangay chair ng Barangay Longos, Malabon City.
Sinabi sa report na aabot sa sa P70 milyong pondo ng barangay ang sangkot sa kaso.
Bukod sa plunder, sinampahan din si Dela Cruz ni Arman Ramos ng malversation of public funds at mga kasong administratibo dahil umano sa pagpapabaya sa kanyang tungkulin bilang kapitan ng Barangay Longos, madalas na pag-absent nang walang official leave at hindi awtorisadong paglipat sa kanyang mga tungkulin sa kapatid na si Kagawad Erick dela Cruz.
Si Dela Cruz ay tumatakbo sa pagka-vice mayor ng Malabon sa 2025 midterm elections.
Samantala, sa kanyang Facebook post, naglabas ng reaksiyon si Angelika.
Aniya, “Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila haayyy baka sa susunod nyan ipapatay nyo ako ah.”
