PUNO ng hinagpis ang mukha ng isang ina matapos bawian ng buhay ang dalawang anak na babae sa sunog sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection sa lungsod ng Maynila, sinubukan pa umano sagipin ni Jacqueline Ragos ang mga alagang kambal edad 5-taong gulang na humihiyaw habang nasusunog ang isang silid sa ikalawang palapag ng bahay.
Maging ang mga bumbero, nagtangkang sagipin ang magkapatid habang inaapula ang sunog na idineklarang under control pagkatapos ng isang oras.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang sanhi ng sunog.
