SA halip na kumita, bugbog-sarado ang dalawang kolehiyala sa American national na nakilala lang isang dating app.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), arestado ang di pinangalanang dayuhan bunsod ng reklamong inihain ng mga biktimang kapwa 4th year college student.
Pag-amin ng mga kolehiyala, umayon sila sa alok na pera ng American national na nakilala sa dating app kapalit ng pakikipagtalik nilang dalawa sa loob ng isang hotel sa Quezon City.
Pagdating di umano nila sa silid, hiningan muna nila ng paunang bayad ang banyaga. Dito na anila nagalit ang dayuhang walang habas na nanggulpi sa kanila.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women & their children (VAWC) ang banyagang Kano.
