PATAY na nang matagpuan sa nasunog na barong-barong ang isang binatilyo matapos lamunin ng apoy ang nasa 60 kabahayan sa Barangay Pinagbuhatan, hindi kalayuan sa Pasig City Hall.
Bukod sa hindi pinangalanang binatilyong nasawi, 10 iba pa ang sinasabing bahagyang nasaktan batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa ulat ni BFP ground commander Robert Maravilla, dakong alas 3:47 Linggo ng hapon nang magsimula ang sunog sa kahabaan ng Acacia Street. Dakong alas 6:30 na ng gabi nang tuluyang naapula ang apoy.
Batay sa salaysay ng mga testigo, nagsimula ang sunog sa isang bahay na walang kuryente
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime (SOCO) sa insidente.
