SA kabila ng pagkatupok ng Araneta City Bus Station sa Cubao, Quezon City, kagyat na pinahintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik-operasyon ng terminal para sa mga modern jeep.
Sa isinagawang site inspection ng LTFRB sa Araneta City Complex, partikular na sinuri ng naturang ahensya ang natupok na bus terminal na kalapit ng lugar kung saan nagbababa at nagsasakay ng pasahero ang mga modern jeep na bumabyahe sa mga karatig lungsod at lalawigan kabilang ang Rizal.
Matapos ang inspeksyon, nagpasya ang LTFRB na huwag nang ilipat ang terminal ng mga modern jeep matapo makitang nasa maayos na sitwasyon ang pondohan ng makabagong sasakyan.
“Tinitiyak ng LTFRB na hindi po maantala ang operasyon ng terminal sa kabila ng nangyari para maging tuloy tuloy ang paghatid serbisyo sa ating mga kababayan sa kanilang nais na patutunguhan,” pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III. (LILY REYES)