HINDI bababa sa P278 milyong halaga ng hinihinalang shabu kumpiskado sa sa isinagawang operasyon kontra droga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa sa Quezon City.
Ayon sa PDEA, pumalo sa 41 kilo ng hinihinalang shabu na nakatago sa isang paper bag at mga karton ang sinamsam ng mga ahente ng PDEA sa operasyon sa kahabaan ng Andrade Street, Barangay Balingasa.
Kinilala ang mga suspek sa pangalang Aye at Mok. Narekober sa mga suspek ang isang SUV, Hong Kong passport, Hong Kong international driving permit, dalawang mobile phone, at ang marked buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Kapwa sasampahan ang mga Chinese nationals ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
