
KASABAY ng pagkilala sa 350 local government units (LGU), isang panawagan ang paabot ng Department of Interior and Local Government sa mga gobernador, alkalde at iba pang lokal na opisyal – wag maging epal.
Pakiusap ni DILG Secretary sa mga lokal na opisyal, iwasan ipaskil ang pangalan at ibalandra ang mukha at sa mga karatula ng mga programa at proyektong tinustusan gamit ang buwis ng mga mamamayan sa nasasakupan.
Sa kanyang mensahe sa mga dumalong local government officials sa seremonyang kalakip ng paggagawad ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG), hinikayat rin niya ang mga pinarangalang lokalidad na gamitin ang natanggap na incentive fund sa mga tinawag niyang “high impact projects” na sumusuporta sa good fiscal administration,, disaster preparedness, social protection and sensitivity program, business-friendliness, competitiveness, kaayusan, kapayapaan, kalusugan at edukasyon.
Sa tala ng kagawaran, 18 (sa 81) lalawigan at 272 (sa 1,498) munisipalidad ng tumanggap ng parangal at gantimpala.
Mahigpit din ang tagubilin ng Kalihim laban sa paggamit ng premyo sa mga pagsasanay (training), pagpapautang, pagbiyahe, pagbili ng mga gamit sa opisina at pagpapakumpuni ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan.
Mayroon lamang din aniyang siyam na buwan ang mga LGUs na gamitin ang naturang pondo. (LILY REYES)