LABAG sa 1987 Constitution ang ordinansang nagtutulak dagdagan ang bilang ng mga konsehal sa kada distrito ng Taguig, ayon kay retired Supreme Court Justice Dante Tiñga.
Sa 40-pahinang petisyong inihain sa Korte Suprema, hinikayat ni Tinga ang mga kapwa mahistrado na ibasura ang Ordinance No. 144 na pinagtibay ng lokal na konseho, gayundin ang Commission on Elections (Comelec) Resolution 11069 at ang Concurrent Resolution No. 26 na pinagtibay ng Senado at Kamara.
Para kay Tinga, walang legal na basehan ang pagdaragdag sa bilang ng mga konsehal — 12 mula sa dating walo kada distrito.
Hirit ni Tinga — temporary restraining order (TRO) hanggat wala pang pinagtibay na batas ang Kongreso.
“Owing to the established scope and breadth of the law-making power of Congress, the increase in the number of councilor seats requires a law duly enacted by Congress and approved by the President,” saad sa petisyon ni Tinga.
Para kay Tinga, wala sa mandato ng Sangguniang Lungsod ang pagdaragdag sa bilang ng mga miyembro ng konseho.
“This honorable court should, of course, realize the profound implications of such a position. If sustained, local sanggunians are now free to increase their own compositions despite the absence of legislative authorization,” dugtong sa petisyon ng dating mahistrado.
