PIHADONG dismayado ang nasa 1.1-milyong manggagawa sa Metro Manila matapos maglabas ng “status quo ante order” ang Pasig City Regional Trial Court kaugnay ng dagdag-sahod sa mga obrero sa National Capital Region (NCR).
Sa ilalim ng kautusan ni Pasig City RTC Executive Judge Achilles Bulauitan, suspendido muna ang implementasyon ng Wage Order NCR-27 na nagtatakda ng P85 dagdag sa arawang kita ng mga minimum wage earners sa rehiyon.
Ang petisyon laban sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board at National Wages and Productivity Commission, ay inihain ng dalawang dambuhalang kumpanyang kilala sa larangan ng imprastraktura — ang Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc.
National Wages and Productivity Commission.
Hiningi nila sa korte na pigilan muna o hindi kaya’y panatilihin muna ang dating antas ng sahod (status quo).
Tinanggihan ng korte ang hiling ng mga petitioner para sa isang 72-hour Temporary Restraining Order (TRO).
Ginawa ito upang magkaroon ng sapat na panahon ang branch ng korte na mabubunot (raffled branch) na pag-aralan nang mabuti ang mga merito at batayan ng aplikasyon ng petitioners para sa TRO.
