
BILANG tugon sa posisyon ng sektor ng mga operator at drayber ng mga pumapasadang traditional jeeps, iminungkahi ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing simple at payak ang mga rekisitos sa Public Utility Vehicle Modernization Program na isinusulong ng gobyerno.
“We are willing to bend backward, suggesting to the board of LTFRB to relax the requirements to enable drivers to adapt to the program,” pahayag ni Transportation Secretary Bautista.
Ani Bautista, nakipag-ugnayan na rin ang kanyang tanggapan sa mga PUV operators at drivers para sa hangaring pakinggan at marinig ang kanilang mga suhestiyong magbibigay-daan sa isang kasunduan kung saan magkasabay na mabibigyan solusyon ang agam-agam sa programa ng gobyerno.
Paliwanag pa niya, layon lang ng pamahalaan gawing kumportable, maaasahan at ligtas ang byahe ng mga pasahero gamit ang mga makabagong sasakyan.
Noong Pebrero 25, 2022, lumabas sa datos ng DOTr na hindi bababa sa 1,156 na kooperatiba, korporasyon, at iba pang pinagsama-samang kumpanya na may prangkisa ang nagpapatakbo ng 98,801 PUJ units.
Samantala, 406 na pinagsama-samang entity ang nagpapatakbo ng 14,289 na franchised na UVE units.
Sinabi ng DOTr na ang Office of Transportation Cooperatives ay nakapag-accredit na ng 1,715 transport service cooperatives na may 261,853 miyembro, na binubuo ng mga operator at driver, noong Enero 2023.
“A total of 6,814 units of modern PUVs already run a total of over 400 routes, ayon sa transport chief.