November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

KABLENG SALA-SALABAT INAKSYUNAN NG LGU

NI AJ GOLEZ

SA bisperas ng taunang paggunita ng Fire Prevention Month, naglunsad ng isang programa ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa hangaring tiyakin ligtas ang mga residente ng lungsod sa banta ng sunog na karaniwang palasak tuwing buwan ng Marso.

Sa pakikipagtulungan ng mga private utility companies ng Converge ICT Solutions Inc, Philippine Long Distance Telephone Telecommunications Company (PLDT), Manila Electric Company (Meralco), at Globe Telecom, sumipa ang ‘Oplan Linis Ganda Cable’ sa lungsod ng Valenzuela.

Sa isang pahayag, binigyang pagkilala ni Mayor Wes Gatchalian ang aniya’y pakikiisa ng mga pribadong kumpanya sa nasabing programa.

Bukod sa mga sala-salabat na kableng masakit sa mata, tiniyak rin ng alkalde ang implementasyon ng iba pang programang sadyang binalangkas para tiyakin ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga mamamayan – kabilang ang aniya’y ‘pagbawi’ ng kalsada na sinakop ng ilang establisimyento.