SA isang pambihirang pagkakataon, idinaan sa dasal ng mga tagasuporta ng administrasyon ang kilos-protesta laban sa umano’y tangkang pabagsakin ang gobyerno.
“Protect BBM,” sigaw ng mga lumahok sa pagtitipon sa Welcome Rotonda sa Quezon City.
Panawagan ng grupo na kinabibilangan ng mga kababaihan at senior citizens, huwag hayaan manaig ang kasamaan, higit lalo sa panahon ng matinding pagsubok.
Giit ng mga raliyista, sabayang tutukan ang isinasagawang paglilinis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamahalaan sa bisa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na inatasang mag-imbestiga sa malawakang katiwalian sa mga proyektong tinustusan ng gobyerno, gamit ang buwis mula sa dugo at pawis ng bawat Pilipino.
Naging mapayapa naman ang protesta, ayon sa lokal na pulisya. (ITOH SON)
