ARESTADO ang isang KOREAN national matapos itong ireklamo ng rape ng babaing aplikante bilang casino dealer sa Pasay City.
Inakusahan ng biktima, 18, ang suspect na kinilala lamang sa pangalang Kevin, ng rape sa loob ng apartment nito sa Barangay 15, ayon kay Pasay City police chief Col. Marion Mayames.
Ayon sa biktima, isang kaibigan nito ang nagrekomenda na mag-apply ng trabaho bilang casino dealer sa suspect.
Nagtungo umano ang biktima sa opisina ng suspect sa HK Sun Plaza on Diosdado Macapagal Boulevard upang mag-apply ng trabaho.
Matapos umano ang interview ay inimbitahan siya ng suspect na magpunta sa apartment nito para sa dinner.
Naglabas umano ng alak ang suspect pagdating sa apartment at doon ay isinagawa ang rape nang tanggihan ng biktima si Kevin.
Nang makatakas, agad nagtungo sa Pasay Police Substation 1 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, ang biktima upang ireklamo ang suspect na agad namang nadakip.