NI LILY REYES
HINDI na bago ang cremation ng mga pumanaw, pero sa lungsod ng Pasay kakaiba ang paraan sa pag-abo sa bangkay na nakaburol sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa mga kaanak ng yumaong Reynaldo Ablay, nataranta ang buong pamilya matapos sumiklab ang sunog sa burol ni Ablay sa kanilang bahay sa kahabaan ng Kalye Cuyegkeng malapit sa FB Harrison Boulevard dakong alas 11:00 ng umaga.
Kwento ng anak na si Aina, lubhang ikinabigla ng pamilya ang biglang pagsiklab ng sunog na dahilan para magpulasan ang lahat — maliban sa nakaburol na ama.
Sa lakas ng paglagablab, umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na haapula matapos ang mahigit isang oras.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection para matukoy ang pinagmulan ng sunog.
