BILANG pakikiisa sa paggunita ng Semana Santa, sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng number coding scheme sa 17 lokalidad na saklaw ng National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, malayang makakabiyahe ang lahat ng uri ng sasakyan sa Metro Manila sa pagsapit ng Abril 6 hanggang Abril 10, na unang idineklarang pista opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayunpaman, sinabi ng MMDA chief na lumikha ng isang multi-agency command center (MACC) ang ahensya para tiyakin ang mapayapa at makahulugang paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
“MACC will monitor the actual status of major transport terminals all over the capital region, particularly bus terminals, to ensure the safe travel of passengers to their respective destinations,” ani Artes.