Ni LILY REYES
SA halip na kwarta, malamig na rehas sa likod ng selda ang kapit ngayon ng isang tubong-Maynila matapos masakote sa isang operasyon kaugnay ng nagkalat na pekeng lisensya.
Kinilala ang suspek sa pangalang Jeric Baluyot ng Kalyer Adelina, Barangay 467, Zone 46 sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza, nadakip ang suspek pinagsanib na operasyon ng LTO at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa loob ng kanyang tahanan kung san di umano ginagawa ang mga palsipikadong driver’s license.
Narekober din ng mga operatiba sa pag-iingat ni Baluyot ang pekeng lisensya, pekeng LTO’s Official Receipt para sa motor vehicle registration, cellphone at mga makabagong kagamitan sa pamemeke ng mga ID at dokumento.
Nahaharap si Baluyot sa kasong paglabag ng Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code).
