KINALAMPAG ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan ang punong tanggapan ng Department of Health (DOH) kasabay ng panawagan para sa pagbibitiw ni DOH Secretary Teodoro Herbosa.
Sa kanilang pag-iingay kahapon sa harap ng DOH sa Tayuman, Maynila, sinisi si Herbosa sa likod ng paglilipat ng P90-billion pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury.
Anang mga raliyista, hayagang tinalikuran ni Herbosa ang mandatong kalakip bolang chairman ng PhilHealth. Anila, para sa health benefit packages ng mga maralitang pasyente.
Buwan ng Nobyembre nang ideklara ng Korte Suprena na ilegal ang paglilipat ng pondo para sa kalusugan sa tanggapan ng BTr.
Kabilang rin sa isyung ipinukol kay Herbosa ay ang umano’y kabiguan matutukan ang lagay ng mga super health center at masigurong hindi mapupulitika ang pondo para sa pagpapagamot ng mga mahihirap.
Giit ng mga raliyista, kasiguruhan na libre ang mga serbisyong- medikal at mga gamot na pangunahing pangangailangan dahil sa krisis-pangkalusugan. (JULIET PACOT)
