HIGIT pa sa pag-apula ng sunog, mas kailangan handa at maalam ang publiko sa mga dapat gawin para maiwasan ang pagkatupok ng ipinundar na tahanan at mga ari-arian.
“I believe that every individual should be early in identifying the causes of fires and avoiding its dangers rather than being fully dependent on our firefighters,” saad sa mensahe ni Sen. Cynthia Villar kasabay ng paggunita ng Fire Prevention Month.
Sa pagtitipon inorganisa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa temang ‘Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa’ na idinaos sa Pulang Lupa I, sa lungsod ng Las Piñas City, ibinida ang ugnayan sa pagitan ng Villar Sipag Foundation at BFP-Las Piñas.
“It is indeed our goal to minimize fire incidents for the safety of our people. Due to this, we are continuously intensifying our efforts of fire prevention especially during the Fire Prevention Month,” ani Villar tungkol sa mga aktibidades na naglalayong paigtingin ang kamulatan ng publiko sa pag-iwas sa sunog.
Kabilang rin sa aktibidades ang Las Pinas Inter Barangay Olympics kung saan ipinamalas ng mga fire marshalls, fire brigade members, barangay tanod at volunteers ang bilis, listo at kapasidad sa agarang pagtugon.
“Although a fire may happen in any month of the year, statistics have shown there is a higher incidence of fire every March at the start of the summer season,” sabi pa ni Villar.
Sa datos ng BFP, may 13,000 insidente ng sunog ang naganap noong 2022 sa buong bansa. Sa unang dalawang buwan ng 2023, nakapagtala ng 1,984 insidente – mas mababa ng 21% kumpara sa 2,520 sunog sa parehong buwan ng nakalipas na taon.
“Despite the decline in the number of fire incidents, the public should always remain careful and watchful against fires,” aniya ng pa senador.
Sa bisa ng Proclamation 115-A nang simulan ang paggunita ng Fire Prevention Month sa tuwing sasapit ang Marso.