KASABAY ng taunang pagdiriwang ng Go Skateboarding Day, ikinasa ng Padraska Skateboarding at Paranaque Skateboarding Community ang patimpalak kung saan bibida ang angking husay ng mga Pinoy sa larangan ng skateboarding.
Bukod sa tagisan ng husay sa skateboard, tampok din ang Push Parade na magsisimula sa Parañaque City Hall patungo sa Paranaque Skatepark sa Bulungan, Barangay La Huerta, Paranaque City pagsapit ng Linggo (Hunyo 23, 2024) mula alas 6:00 ng hapon hanggang ahas 12:00 ng hatinggabi.

Kabilang sa mga tatanghalin sa paligsahan ang Best in Run in (Class A & B), Game of SKATE (Boy, Girls & Kids) Best in Line, Best Trick in Rail, Best Trick in Ledge, Longest Gap, Highest Ollie at Most Kickflip
Sa mga gustong sumali, please contact Padraska 0998 543 8445 or email them at padraskaskaeboarding@gmail.com
