
ISA sa mahabang talaan ng mga pinaniniwalaang sangkot sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang humingi ng saklolo sa Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa di umano’y pagdukot sa asawa’t dalawang anak.
Ayon kay Osmundo Rojas Rivero, Marso 8 pa nang ikustodiya di umano ng mga operatiba ang kanyang asawang si Queenie kasama ang kanyang dalawang anak na sina Christian King at Jophiel Keith.
Gayunpaman, nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na ang layon lamang bigyan proteksyon ang mag-iina ni Rivero.
Para kay Atty. Danny Villanueva na tumatayong abogado ni Rivero, malinaw na kidnapping ang ginawa ng mga operatibamh aniya’y pwersahang bumitbit sa mag-iina.
Batay sa huling impormasyon ng abogado, nasa kustodiya ng NBI ang pamilya.
Bagamat nakakausap pa di umano ni Rivero ang kanyang pamilya noong una, lubos na nag-aalala ang padre de pamilya dahil wala na aniyang komunikasyon si Rivero at asawa.
Pakiusap ni Atty. Villanueva CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, isang malalimang imbestigasyon sa sinapit ng mag-iina ni Rivero.
Kasong multiple murder ang kinakaharap ni Rivero na aminadong kabilang sa bumakbak sa gobernador sa Bayawan City noong Marso 4 ng kasalukuyang taon.