PINAULANAN ng bala at saka hinagisan ng granada ang tanggapan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District sa Barangay 14, sa lungsod ng Caloocan.
Sazlakas ng sambulat, tumagos ang ilang shrapnel ng granada sa entrada ng gusali kung saan nasira ang hagdan papasok ng opisina.
Walang nasaktan sa insidente.
Bukod sa pinsala sa gusali, hagip ng pagsabog ang mga nakaparadang sasakyan ilang metro ang layo sa main entrance ng DDEU.
Mabilis na tumakas ang tatlong suspek patungo sa di mabatid na direksyon.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa hangaring matukoy ang motibo at pagkakakilalan ng mga suspek.