SA gitna ng lingguhang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, nahaharap sa panibagong kalbaryo ang mga motoristang bumabaybay sa North Luzon Expressway (NLEX).
Sa isang kalatas, kinumpirma ng Toll Regulatory Board (TRB) ang napipintong dagdag-singil sa paggamit ng expressway patungo sa hilagang bahagi ng Luzon pagsapit ng Enero 20.
Ayon sa TRB, layunin ng toll fee hike tiyakin ang tuloy-tuloy na operasyon, maintenance at pagpapabuti ng NLEX.
Sa panig ng NLEX Corp., nilinaw ng kumpanya na bahagi lamang anila ng inaprubahang toll adjustment ang umento sa toll fee.
Maglalaro sa P6 hanggang 72 ang inaasahang dagdag sa toll fee. (LILY REYES)
