WALANG plano manahimik ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng kabi-kabilang katiwalian sa pamahalaan.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng grupong PISTON ang pagsasagawa ng malawakang tigil pasada sa Setyembre 18 bilang protesta laban sa anila’y malinaw na paglustay sa kaban ng bayan ng mga bigating personalidad na nagsabwatan sa mga ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Anang PISTON, hindi dapat palampasin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang katiwalian ng mga DPWH officials, mga kongresista at mga kinasangkapang kontratista.
Hirit ng grupo — bulukin sa piitan ang mga mandarambong.
Magsisimula ang malawakang tigil-pasada sa hudyat ng alas 5:00 ng umaga sa Huwebes. (LILY REYES)
