
PAGSAPIT ng taong 2026, fully-digital na ang prosesong kalakip ng pinangangasiwaan kalakalan ng Bureau of Customs (BOC).
Sa kalatas ng BOC, kumbinsido ang pamunuan na ganap na makakamit ng kawanihan ang siento-por-sientong full digitalization sa loob ng tatlong taon, sa tulong ng $88-million loan mula sa World Bank.
Sa ulat ni BOC spokesperson Vincent Philip Maronilla sa mga pulong kasama ang mga economic managers ng bansa, nasa halos 94% na aniya ng mga proseso ng ahensya ang automated na.
“Itong 94 percent na-digitalize natin will be further improved and will be further coordinated with all other agencies and will be at par with the other progressive customs administration sa ibang bansa once na makumpleto natin itong customs modernization project,” ayon kay Maronilla.
“Yung sa World Bank ay para ma-modernize ang buong Customs processing system at ang ating x-ray at backup system natin,” aniya pa.
Sa pag-aaral ng World, malaking balakid sa isinusulong na masiglang kalakalan sa Pilipinas ang kabiguan ng pamahalaan na isulong ang modernisasyon, partikular sa BOC.
Ayon pa sa World Bank, inaabot ng halos 120 oras bago makakuha ng clearance sa kawanihan bunsod ng mano-manong proseso – malayo sa 56 oras sa Vietnam, 50-oras sa Malaysia at 36-oras na Malaysia.
For its part, the Presidential Communications Office, citing President Ferdinand Marcos, Jr., earlier said that businessmen had “major complaints” about the “inefficiency of the country’s airports and seaports.”
The current systems in place are “quite ineffective,” said Marcos, given that paper trails have made it difficult to go after smugglers.